Advertisers

Advertisers

Ginang timbog sa carnapping sa QC

0 7

Advertisers

ARESTADO ang 43-anyos na babae sa kasong Carnapping sa bisa ng arrest warrant sa Teacher’s Village East, Quezon City, Lunes ng hapon, Enero 15.

Kinilala ang inaresto na si “Agnes Joy”, ng Matimtiman Street, sa naturang lugar.

Sa ulat na isinumiti ni Police Executive Master Sargent Dedimo Alviar kay Major Rommel Purisima, hepe ng District Intellegence Division, Special Mayor’s Reaction Team, (DID- SMaRT), 5:00 ng hapon nang damputin ang ginang sa loob ng bahay sa bisa ng warrant of arrest.



Halos siyam na taon nagtago ang ginang nang isyuhan ng arrest warrant dahil sa kasong Republic Act 6539 (Anti-Carnapping Act of 1972).