Advertisers

Advertisers

Kelot patay, 1 pa sugatan sa pamamaril sa Pasay

0 10

Advertisers

Patay ang isang lalaki at isa pa ang sugatan nang pagbabarilin ng tatlong kalalakihan sa Pasay City.

Kinilala ang nasawi na si Ron-ron Uy, 36 anyos, ng 2445 Decena Street, Brangay 94 ng nabanggit na siyudad.

Dinala naman sa nabanggit na ospital ang isa pang biktima na si Jayson Ortez, 39, ng Tuazon Mejia Compound, Las Piñas City, na nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang balikat.



Sa imbestigasyon ng Pasay City Police, naganap ang insidente 7:15 ng gabi sa 2465 Decena Street, Barangay 94.

Habang nag-iinuman ang mga biktima nang sumulpot ang tatlong kalalakihan na pawang armado ng baril at walang salitang pinaulanan sila ng bala, at mabilis na tumakas.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga pulis sa insidente.(Gaynor Bonilla)