Advertisers
Arestado sa entrapment operation ang isang lalaki sa pagbebenta ng nakaw na bisikleta.
Mula sa orihinal na preyo ng bisikleta na P30,000, ibinebenta ito sa online sa halagang P5,000 lang sa Naga, Camarines Sur.
Sa ulat, nagkasa ng entrapment operation ang mga awtoridad nang makita ang post sa internet ng 20-anyos na suspek tungkol na ibinebentang bisikleta.
Nahulihan din ng patalim at ilegal na droga ang suspek nang arestuhin.
Nagpaalala ang pulisya sa publiko na mag-ingat sa mga binibili online upang hindi makasuhan ng paglabag sa anti-fencing law, o pagbili ng produktong nakaw.