Advertisers

Advertisers

PASIG RIVER URBAN DEV’T PROJECT PINASINAYAAN NI MARCOS

0 15

Advertisers

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang inaugurasyon ng showcase area ng Pasig River urban development project sa Maynila.

Layunin ng proyekto sa ilalim ng “Pasig Bigyan Buhay Muli” (PBBM) initiative na buhayin ang Ilog Pasig bilang sentro ng aktibidad pang-ekonomiya, turismo, at mapabuti ang koneksiyon sa transportasyon sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Ang showcase area, na may habang halos 500 metro sa likod ng gusali ng Manila Central Post Office, ay bahagi ng inisyal na yugto ng komprehensibo at urban renewal project na pinangungunahan ng Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development (IAC-PRUD), sa ilalim ng pamumuno ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Sec. Jose Rizalino Azucar.



Ang bagong-likhang lugar na ito ay magiging pampublikong parke na may pedestrian-friendly walkway sa isang platapormang konkreto na may mga fountains at ilaw. Bukod dito, may mga upuan din na maaaring gamiting open-air venue para sa iba pang mga aktibidad.

Matatandaang nilagdaan ni PBBM ang Executive Order No. 35 noong Hulyo 25, 2023 kung saan ipinag-utos nito ang rehabilitasyon ng Ilog Pasig patungo sa kanyang kasaysayang malinis na kalagayan na angkop para sa transportasyon, recreation, at turismo.