Advertisers
LALAKTAWAN ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz – Naranjo ang parating na Asian Weightlifting Championship, qualifier para sa Paris Olympics.
Kung maalala ang 32-year-old lifter mula sa Zamboanga ay nagtamo ng leg cramps habang sumasabak sa 59kg category sa International Weightlifting Federation (IWF) Grand Prix na ginanap sa Doha, Qatar mula Disyembre 4 hanggang 14 nakaraang taon.
Diaz-Naranjo ang nagdeliver ng kauna-unahang gold medal sa bansa nang pagharian ang women’s 55kg category sa 2021. Nangibabaw rin siya sa parehong category sa 2022 World Championship sa Bogota,Colombia.
Dahil ang 55kg ay hindi kasama sa Paris Summer Games, umakyat si Diaz sa 59kg kung saan siya may pag-asa na muling ma-qualify para sa ika-limang Olympic appearance.nagwagi siya ng silver medal sa Rio (2016).
Samantala, ang iba pang sasabak sa Asian Championship ay naka-iskedyol mula Pebrero 3 hanggang 10 sa Tashkent,Uzbekistan ay siblings Rose Jean (W45kg) at Rosegie Ramos (W49kg), at 2019 SEAG champion Kristel Macrohon (W71kg) ng Zamboanga City; Lovely Inan ng Angono, Rizal (W49kg); 2023 Hangzhou Asian Games bronze medalist Elreen Ann Ando (W59kg) ng Cebu City; at two-time SEAG gold medalist Vanessa Sarno ng Bohol (W71kg).
Kasama rin sa biyahe sina Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella head of delegation at coaches Ramon Solis,, Patrick Lee, Richard Pep Agosto at Kelle Kay Rojas.
Ang limang atleta ay sumabak rin sa Grand Prix sa Qatar,pero ang 18-year-old Rose Jean Ramos lang ang nakarating sa podium, nakamit ang silver medals sa snatch (70kg’s),clean and jerck(85kg’s)at total (155kgs).
Pagkatapos ng Asian championship ay ang World Cup na nakatakda sa Marso 31 hanggang Abril 11 sa Phuket,Thailand kung saan ang Filipinos ay inaasahan na lalahok yamang ito ang huling Olympic qualifier.
Ang top 10 lifters ay magkakaroon ng puwesto para sa kanya-kanyang bansa at bodyweight category sa pamamagitan ng IWF Olympic Qualification Ranking tournaments mula Agosto,1 2022 hanggang Abril 28,2024.
Ang Paris Olympic Games ay gaganapin mula Hulyo 26 hanggang Agosto 11,2024.