Advertisers
MILWAUKEE BUCKS superstar Giannis Antetokoumpo at Los Angeles Lakers playmaker LeBron James pa rin ang nangunguna sa fan voting returns para sa parating na NBA All-Star Game sa susunod na buwan.
Ang fan balloting para matukoy ang starters sa kontest sa pagitan ng Eastern at Western Conference elite squads ay magtatapos sa Sabado na ang starters para sa teams ay ilalahad sa Enero 25.
Ang 73rd NBA All-star Game ay gaganapin sa Pebrero 18 sa Indianapolis, binalik sa dating East vs West format matapos ang ilang taon kung saan ang top vote getters ang pinangalanang captains at drafted lineups mula sa ibang top vote-getters.
Greek star Antetokoumpo, na two-time NBA Most Valuable Player, ang nangunguna sa lahat ng players na may 4,309,630 votes kasama ang ibang East frontcourt players kabilang ang reigning NBA MVP Joel Embiid ng Cameroon at Philadelphia 76ers na may 3,721,002 at Boston’s Jayson Tatum na may 3,717,311.
James, na four-time NBA MVP ang nangunguna sa West frontcourt at second overall na may 3,938,571,Denver’s Nikola Jokic, na tw0-time MVP, may 3,498,250 at Phoenix’s Kevin Durant third na may 3,466,608. lakers forward Davis ang fourth na may 1,997,084.
Sa West backcourt, Luka Doncic ng Dallas ang may pinakamaraming boto sa lahat ng guards 3,205,375 at Golden State’s Stephen Curry second 2,616,154. Oklahoma City’s Shai Gilgeous-Alexander ang third sa 2,331,113.
Sa East backcourt, Indiana’s Tyrese Haliburton ang nangunguna sa listahan na may 2,718,973 at Atlanta’s Trae Young second sa sa 1,815,898.