Advertisers

Advertisers

Binata wakwak ang dibdib sa taga ng kaalitan

0 4

Advertisers

PATAY sa taga ang isang binata sa nakasuntukan sa Barangay Cabuco, Trece, Cavite.

Kinilala ang biktima na sa alias Randy, residente ng nasabing lugar.

Arestado naman ang salarin sa follow up operation ng pulisya na si alias Espinosa, kapitbahay ng biktima.



Sa ulat, 11:45 ng gabi nang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at salarin. Nagkasuntukan ang dalawa. At nang maawat, nagsumbong ang biktima sa kanyang kuya. Bumalik ang magkapatid para komprontahin ang nakasuntukan. Subalit paglabas ni Espinosa ay kaagad niyang tinaga si Randy.

Nawakwak ang dibdib ni Randy na agad niyang ikinamatay. Tumakas ang salarin pero agad itong naaresto sa follow up ng pulisya. (IRINE GASCON)