Advertisers

Advertisers

STUDE BINARIL-PATAY NG EX-BF SA LOOB NG CAMPUS

0 23

Advertisers

NASAWI ang 22-anyos na graduating college student nang barilin sa ulo ng dating nobyo sa loob mismo ng school campus sa Guimaras, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Christine Mae Piamonte, 4th year student ng Bachelor of Science in Business Administration sa Guimaras State University (GSU) at residente ng Barangay Cabungahan, San Lorenzo, Guimaras.

Nasa kustodya na ng pulisya ang salarin na si Zoilo Sereño, 22, isang casual employee ng Pulupandan Rural Health Unit at residente ng Von Ryan St., Barangay Zone 6, Pulupandan City, Negros Occidental.



Sa ulat, naganap ang pamamaril sa loob ng GSU-Buenavista campus sa Barangay Mclain, Buenavista, Guimaras 2:50 ng hapon ng Enero 19.

Agad namang naaresto ng mga school security personnel si Sereño, matapos ang ginawang pagpatay sa dating kasintahan at nakuhan ng isang homemade caliber .38 revolver.
Inamin ni Sereño ang pagbaril kay Piamonte, na nakatakda sanang magtapos sa kanyang kurso sa susunod na mga buwan.

Bago ang pamamaril, bumiyahe si Sereno mula sa Pulupandan patungong Guimaras sakay ng pribadong pumpboat. Nang makarating sa lugar, agad siyang dumiretso sa school campus upang kausapin umano si Piamonte para klaruhin ang estado ng kanilang relasyon. Target din nito ang napapabalitang bagong karelasyon ng kanyang dating nobya.

Naging nobya ni Sereño si Piamonte sa loob ng tatlong taon.

Sinabi ng salarin na nanlamig sa kanilang relasyon si Piamonte ng nakalipas na taon hanggang sa maghiwalay sila noong Setyembre.



Pinaghihinalan ng salarin na may ibang lalaki ang biktima kaya nagbago na. Tinukoy niya ang umano’y bagong karelasyon ng kasintahan, si Ram Arlo Tacubay, 26, isang musical director ng GSU para sa Palayag Festival.

Ayon kay Colonel Rhea Santos, hepe ng Guimaras Police, nagawang makapasok ng salarin sa school campus matapos niyang sabihin sa security personnel na personal niyang ibibigay ang allowance ni Piamonte.
Nang makapasok sa loob ng campus, naispatan ng salarin sina Piamonte at Tacubay, habang kasama ang iba pang estudyante sa Room 3 ng Agri-Eco Building ng university.

Sinabi ni Sereño na kitang-kita niya nang halikan ni Tacubay si Piamonte at inakbayan pa.
Bunsod nito, agad niyang binaril si Tacubay na nasugatan sa ulo at dibdib. Sinubukan naman ni Piamonte na umawat sa pag-atake ng dating boyfriend subali’t maging siya ay binaril sa ulo.

Kapwa isinugod sa Buenavista Emergency Hospital ang dalawa subalit idineklarang patay si Piamonte.