Advertisers
IPINAG-UTOS ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang agarang suspensiyon sa dalawang Airport Police officers (APD) matapos pahintuin ang kanilang ‘marked vehicle’ng Metro Manila Development Authority (MMDA) enforcers dahil sa ilegal na pagdaan sa EDSA Bus Carousel Lane noong Linggo, Enero 21, 2024.
Sinuspinde ni MIAA General Manager Eric Ines sina APO2 Raymond Anuran at APO1 Michael Lilis na umano’y nasa opisyal na misyon sakay ng sasakyan ng MIAA Airport Police Department.
“We cannot just tolerate this kind of abuse. It is embarrassing and this must be stop.”ayon kay Ines matapos malaman ang insidente.
Ang dalawang airport police ay pansamantalang nasa ‘floating status’ sa APD headquarters kung saan ay inatasan ni Ines si retired B/Gen. Manny Gonzales, Assistant General Manager for Security and Emergency Services (AGMES) na personal na humawak sa imbestigasyon.
“Violation pa rin ‘yung pagdaan sa Bus Carousel without authorization,” sabi ni Ines.
Noong Linggo ng hapon, iniulat ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) na nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng airport police at ng MMDA enforcer nang i-flag down ng enforcer ang sasakyan ng airport police at humingi ng driver’s license bilang paglabag sa hindi awtorisadong paggamit ng ang Northbound EDSA Bus carousel.
Ayon sa Land Transportation and Franchise Regulatory Board (LTFRB) tanging ang mga awtorisadong Bus para sa EDSA Busway Route ay mga bus na may Espesyal na Permit at/o mga prangkisa para mag-operate sa EDSA Busway Route, on-duty ambulances, fire trucks, Philippine National Police (PNP) vehicles at service vehicle na gumaganap ng kanilang mga tungkulin.
Ang Busway ay magagamit din para magamit ng Pangulo ng Pilipinas, Pangalawang Pangulo, Pangulo ng Senado, Tagapagsalita ng Kapulungan ng mga Kinatawan at ng Punong Mahistrado ng Korte Suprema.
Mahigpit na ipapatupad ng MMDA ang mga tuntuning namamahala sa paggamit ng EDSA Bus Lane. (JOJO SADIWA/ JERRY TAN)