Advertisers
NAGSANIB puwersa sina Dwight Howard at Andray Blatche upang buhatin ang Philippine ‘ Strong Group Athletics sa 104-95 wagi laban sa makulit na Homenetmen ng Lebanon at 3-0 start sa Dubai International Basketball Championship Linggo.
Howard, na three-time NBA Defensive Player of the Year, ay umiskor ng team-high 32 points, seven rebounds at five steals para sa Philippine side at upang manateling walang dungis at ipuwersa ang two-way tie sa ibabaw ng Group B Libya’s Al Ahli Tripoli.
Samantala si Blatch, ay nagpasabog ng 15 points para magtapos 18 points,six boards, at four assist.
Unang ginulpi ng Strong Group ang UAE national team,82-66, sa kanilang opening assignment at Syria’s Al Wahda, 89-67, bago makamit ang kanilang ikatlong sunod-sunod na tagumpay. Habang ang Homentmen nalaglag sa 0-2.
Ang reigning UAAP MVP nagtala ng 19 points habang Anderson Roberson at Mckenzie Moore, bumakas ng 13 at 12, ayon sa pagkakasunod.
Zach Lofton, na dating reinforced ng Meralco sa nagpapatuloy na PBA Commissioners Cup, pinamunuan ang opensa ng Homentmen sa iniskor na 37 points kabilang ang eight rebounds, seven assists, at steal habang Gerald Hadidan at Jackson nag-ambag ng 21 at 16 points.