Advertisers

Advertisers

ICC investigators nasa Pilipinas na mula pa noong Disyembre 2023 – Trillanes

0 5

Advertisers

INIHAYAG ni dating Senador Antonio Trillanes IV Kasalukuyan na raw nasa Pilipinas ang mga kinatawan ng International Criminal Court para magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa umano’y naging paglabag sa karapatang pantao ng kampanya kontra ilegal na droga ng administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ay batay aniya sa kaniyang mga impormasyong nakalap.

Ayon sa dating mambabatas, noong Disyembre pa raw ng nakalipas na taong 2023 dumating sa ating bansa ang mga imbestigador ng ICC.



Ani Trillanes, ginawa lamang ng ICC kung ano ang kanilang dapat na gawin para sa pagkakasa ng initial investigation sa ating bansa at kung babalik man aniya ang mga ito sa bansa ay nangangahulugan lamang daw na ito ay para na sa kanilang layuning kumalap pa ng karagdagang ebidensya para sa secondary level ng mga akusado.

Dahil dito ay sinabi ni Trillanes na sa lalong madaling panahon ay asahan nang maisisilbi na rin ang warrant of arrest laban sa umano’y primary respondents sa nasabing kasong paglabag sa karapatang pantao ng anti-drug war campaign ng nakaliopas na administrasyong Duterte.

Kung maaalala, kabilang sa mga principal respondents sa nasabing kaso ay sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating Philippine National Police chief at ngayo’y Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.