Impormasyon sa mga illegal aliens mula LGU, mahalaga – BI
Advertisers
SINABI ng Bureau of Immigration (BI) na mahalaga ang impormasyon mula sa local government units (LGU) para mahanap at maaresto ang mga iligal na dayuhan.
Ito ay katulad na lamang ng naging operasyon ng regional intelligence operations unit (RIOU) 2 ng BI kamakailan sa Barangay Sta. Maria, Cab # 8, Ilagan City, Isabela noong January 16.
Ang operasyon sa pakikipagtulungan ng Ilagan City police station ay nagresulta ng pagkakaaresto ng South African Abdool Kamer Mahamed, 67, na isang overstaying at undocumented alien.
Sinabi ni Fortunato Manahan, Jr., hepe ng Intelligence Division ng BI na napakahalaga ng impormasyon na natatanggap mula sa barangay.
Binigyang-diin din nito sa imbestigasyon sa mga gawain ni Mr. Mahamed na ang mga ulat mula sa barangay ay kumukumpirma sa illegal records at gawain nito.
Si ?Mahamed ay napag-alaman na maraming beses ng inireklamo dahil sa pagiging pasaway nito sa barangay.
Pinuri ni BI Commissioner Norman Tansingco ang pag-aresto at hinikayat ang iba pang LGUs na i-report ang mga gawain ng dayuhan sa kanilang mga nasasakupan.
“We remain committed to fostering strong partnerships with local government units as community cooperation is instrumental in ensuring that we are able to locate and arrest illegal aliens,” pahayag ni Tansingco.
Si Mahamed ay mananatili sa pasilidad ng BI sa loob ng Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig habang hinihintay ang deportation nito. (JERRY S. TAN/ JOJO SADIWA)