Advertisers
Ni JIMI C. ESCALA
HINDI dahil sa COVID kaya isinugod ang aktres na si Kim Chiu sa ospital the other day.
Dumaing daw si Kim na nahirapang huminga kaya nataranta ang mga kasamahan niya sa bahay.
Pero ayon sa kapatid ni Kim na si Lakambini Chiu ay dahil daw yun sa na-allergy ang isa sa mga bida ng seryeng Linlang na palabas na sa free TV airing sa Kapamilya channel.
Dahil sa pag-upload ni Kim ng isang black and white na larawan kung saan nasa emergency room ng isang hospital at may dextrose kaya maraming fans niya ang nataranta.
Paliwanag ng kapatid ni Kim sa isa sa mga post na buti na raw at nagka- allergy lang si Kim. Natakot lang daw sila kaya isinugod nila ito sa hospital.
Dagdag ng tumatayong guardian ni Kim na okey na raw ang aktres at nakapag-taping na ulit, huh!
***
AT this juncture and in behalf of District one constituents ay gusto naming pasalamatan ang aming working congressman na si Cong. Ernix Dionisio sa napakasayang pagdiriwang para sa kapistahan ng aming patron, Santo Niño de Tondo.
Halos buong isang linggo ay may mga programang inihanda si Cong. Ernix para lang mapasaya ang lahat sa pagdiriwang ng Tondo fiesta 2024.
Mula sa Hiraya Festival, sa concert ng Viva artists at hanggang sa Lakbayaw na kung saan tumataginting na mahigit na kalahating milyon ang ipinamigay na papremyo.
Siyempre bukod Kay Cong Ernix ay full support din ang buong Manila council sa pangunguna ni Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo kasama ang anim na konsehal ng distrito uno na sina Taga Fajardo, Ian Banzai, Niño Dela Cruz, Marjun Isidro, Irma Alfonso, Bobby Lim at iba pa.
Maraming maraming salamat sa inyong lahat dahil sa Inyo ay muli ninyong ipinadama sa lahat na Tundo man ay may langit din.
Sabi pa nga ni dating Mayor Isko Moreno, ang Tundo ay pandayan ng husay at talino.
***
YORME KINUKUMBINSING TUMAKBO ULIT NA MANILA MAYOR
SPEAKING of Yorme Isko, marami ang kumukumbinsi sa dating mayor na tumakbo muli bilang alkalde ng Maynila.
Ayon sa source ay may pag-uusap na raw sa kampo ni Yorme at ng kasalukuyang mayor Honey Lacuna.
Si Mayor Isko raw ang makakatapat ng kung sinumang tatakbong mayor ng Maynila at si Mayor Honey daw ay tatakbong congressman sa kanyang district, huh!
Well, abangan na lang natin.