Advertisers

Advertisers

Ruffa todo-deny na buntis na kay Bistek

0 18

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NA-shock si Ruffa Gutierrez sa screenshot sa GB page ni Direk Daryl Yap na kung saan ay may nagtatanong kung preggy nga ba siya sa actor politician na si Herbert Bautista.

Gusto namang tumili ng walang sound si Ruffa at maloka loka sa FB page ni Direk Daryl.



Kaya naman may I yaya ito kay Direk kung may freetime ito para sila ay mag-dinner or something

Sey pa ni Ruffa na di siya preggy pagpapatunay pa nito ay tuluy tuloy anya ang kanyang buwanang dalaw.

Kaya naman agad sumagot si Ruffa para mamatay na ang isyung siya ay buntis.

Napa-Oh my gosh at grabeee na lang si Ruffa.

***



LABIS na pag-aalala ng mga tagasuporta ni Kim Chiu nang makita nila sa isang post sa socmed na nasa hospital ang idolo.

Alam nila na tinamaan ito ng Covid 19 at pareho pa nga sila na nagka-Covid ng partner sa serye na Linlang  na si Paulo Avelino.

Kaya nang makita si Kimmy sa hospital, bumuhos ang get well soon messages.

Sey pa ng fan na grabe naman daw kasi kasipag  si Kim na tila wala na itong pahinga.

Mula Lunes hanggang Linggo ay nagwo-work ito to think na nandiyan pa ang kanyang teleserye.

Pahinga rin daw pag may time sabi pa ng isang faney.

Well, well, well…’Yun na!