Advertisers

Advertisers

0 3

Advertisers

Ni JIMI ESCALA

May latest update ang multi media star Kris Aquino hinggil sa kanyang kondisyon sa kasalukuyan.

Ayon pa sa kanya ay meron na namang bagong autoimmune disease sa kanyang katawan.



Kasabay din daw ng paghina ng kanyang katawan ay nawalan siya ng ganang kumain kaya ang dating unti unti na sanang bumabalik na kalusugan ay bumagsak na naman ngayon ang timbang ni Kris, huh!

Pero hindi ang tipo ni Kris ang basta na lang susuko, at itutuloy niya ang pakikipaglaban sa sakit niya, huh!

Sa kanyang IG post ay inilabas ni Kris ang tatlong kuhang video na kung saan ipinakita ang iba’t ibang test na ginawa sa kanya.

“Explains and answers almost everything that has happened and is happening. 2024 please be kind, “ caption pa ni Kris sa kanyang video.

***



MAGTATAPOS na sa ere ngayong Biyernes ang “Pira-pirasong Paraiso kung saan isa sa mga bida si Elisse Joson .

Kuwento ni Elisse sa mediacon ng nasabing serye ng Kapamilya network na super enjoy daw siya sa kanyang pagiging kontrabida bilang si Hilary.

“It was so fun and very personal that I was able to play Hilary, it was a fun journey na mahirap bitawan.

“Ang hirap pang I-let go kasi sobrang nag enjoy pa ako as Hilary na hindi ko pa nagagawa,” lahad pa ni Elisse.

Very grateful daw si Elisse sa ABS-CBN dahil binigyan siya ng kontrabida role. At ngayon ngang naranasan na niya ang maging kontrabida ay looking forward si Elisse sa more kontrabida roles.

“There is no turning back, mas malaki pa, mas  mataas pa ‘yung level na gugustuhin mo.

“So I am looking forward to better and darker character roles in my future projects,” sey pa ng Elisse.

Dagdag pa rin ni Elisse na mas marami raw siyang pwedeng gawin ngayong wala na siyang kaparehang aktor, huh!

Hindi ba siya nanghinayang sa  loveteam nilang dalawa ni McCoy De Leon at yung mga tagahanga nilang McLisse?

“Masaya rin naman ang may ka loveteam but we have to grow. Parang bata lang yan na kapag nag start na ang adult life, may mga pagbabago na.

“Thankful naman ako sa pagiging solo artist but of course I want to work pa rin naman kay McCoy,” paliwanag pa ni Elisse.