Advertisers

Advertisers

24 senador lumagda sa manifesto bilang pagtutol sa People’s Initiative

0 14

Advertisers

BUONG 24 na senador ang pumirma sa isang manifesto na tumatanggi sa People’s Initiative (PI) para sa Charter change (Cha-Cha) at nagbabala sa posibleng no-election scenario.

Sa pagpapatuloy ng sesyon kahapon, binasa agad ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang manifesto.

“Today, the Senate once again stands as the country’s last bastion of democracy, as it rejects this brazen attempt to violate the Constitution, the country and our people,” ani Zubiri sa binasang manifesto.



“This Senate of the people will not allow itself to be silenced,” diin pa ni Zubiri.

Sa paglagda sa manifesto, sinabi ni Padilla na siya ay pabor sa pagbabago ng konstitusyon at sinusuportahan niya ang tatlong paraan ng pag-amyenda sa charter.

Gayunpaman, sinabi ni Padilla na tutol siya sa pagboto ng Kongreso nang jointly.

Una rito, inihayag ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na maraming senador ang nagpahayag sa caucus na hindi na sila interesado sa Resolution of Both Houses No. 6 (RBH 6) dahil ang people’s initiative ay itinulak ng mga lider ng House of Representatives. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">