Advertisers
Ni BETH GELENA
KINANTYAWAN ni Vice Ganda si Anne Curtis na hindi raw sumasakay sa bus.
Sa episode kamakailan ng It’s Showtime, tinukso ni Vice si Anne na hindi ito sumasakay ng bus .
Agad namang sumagot ang TV host, “hindi ha,” sinubukan daw din niyang sumakay ng bus.
Bago ito, ang pinag-uusapan ng dalawa ay ang tungkol sa karaketan, meaning sideline para may extra passing sila.
At one point, sinabihan ng comedian/TV host ang kanyang sisterette (Anne) na “napaka-arte.”
Pinag-uusapan nilang mga kapwa hosts ang tungkol sa raket o “business sideline.”
“Hindi ako nakikipag-usap kasi sa raket, kailangan ibang tao ang nakikipag-usap. Lalo na pag nagtatanong ng presyo, nakaka-awkward yun, ano?” ani Vice.
“Oo, dapat hindi naman talaga nanggagaling sa ‘yo, sagot naman ni Anne.
“Gusto mo ba ako? Gusto mo ba ako ang tawagan pag may raket ka?” sey naman ni Vhong Navarro kay Vice.
“‘Di ba ako kaya ko, kaya kitang ibenta sa raket, ‘di ba? Pero hindi ko kayang ibenta yung sarili ko,” sagot naman ni Vice.
At bumwelta siya kay Anne na kaya rin daw niyang i-market ang celebrity mom at dinagdagan niya ng “napaka-arte.”
Tanong ni Anne, why?
Saka sinabi ni Vice na hindi kasi siya sumasakay ng bus.
***
SARAH OKEY DAW SILA NI RICHARD
NA-interbyu si Sarah Lahbati ng Cosmopolitan magazine kung saan siya ang feature ngayong Enero hinggil sa break up umano nila ng mister na si Richard Gutierrez.
Isa naitanong sa kanya ay ang hiwalayan umano nila ng aktor.
“We’re okay,” naisagot umano ni Sarah.
Ayon pa rito, “I’m holding up pretty well. I’m happy. Again, I’m grateful. There’s nothing more to say than I’m really feeling blessed. And it’s a good time to just work on myself.”
Bago matapos ang 2023, isa sina Sarah at Richard sa celebrity couples na naghiwalay.
Parehong hindi pa nagsasalita ang dalawa kaya wala pang diretsang kumpirmasyon kung totoo nga ang isyu sa kanila.
Magkagayunman, kapansin-pansin na sa kani-kanilang social media post ay hindi na sila magkasama tulad ng madalas nila noong gawin kasama ang dalawa nilang anak.
Sinabi rin ni Sarah kung paano niya hinaharap ang mga bagay-bagay ngayon sa gitna ng kontrobersiya.
“I’m calm and aiming for a grand slam. Because you can be calm while you’re aiming for your biggest goals. There’s nothing like functioning at a calm level when things are being thrown at you and you’re being challenged and going through difficulties that you can’t control. That’s how you grow as a person and achieve greater things. That’s when opportunities come flowing through your door,” giit pa ni Sarah.
Magbabalik na rin sa pag-arte ang estranged wife ni Richard via teleseryeng Lumuhod Ka sa Lupa.
***
BBM nagtakip lang ng mukha
COLDPLAY ININSULTO ANG PILIPINAS
SA kasagsagan ng concert ng Coldplay ay nagsalita ang singer na si Chris Martin na “Traffic in Manila.”
“We’ve seen some traffic and I think you are number one in the world.”
Nasa audience si President Bongbong Marcos kaya narinig niya ang sinabi ng singer.
Ano kaya ang epekto nito kay BBM?
Anyway, mukhang hindi naman nagrereklamo ang singer.
Katunayan, ginawa pa niyang joke ang traffic sa kanilang show na ikinaaliw naman ng mga nasa loob ng Philippine Arena, Bulacan kung saan doon ginanap ang Coldplay concert.
But, nevertheless, the fact is gumastos ng mahal ang mga Pinoy mapanood lang ang concert ninyo, huh!
Komento naman ng netizens: “Oo naman. May nabasa ako number one nga ang Metro Manila. Nung COVID lang nawala traffic.”
“Yup, in front of Marcos Jr’s salad”
Hindi lang si BBM ang personalidad na nanood ng concert.
Sey ng isang commenter, “si dating DPWH Sec. Mark Villar tahimik lang…at si DOT Sec. Arthur Tugade mga pabida dati”
“Louder for the people at the VIP section!!!”
“At tawang tawa pa ang Pres natin”
“Whole personality na ng Pilipinas ang traffic.”
“Tas si bbm naka helicopter”
“Seryoso?” ang tanong ng isang commenter
“Definitely. Left naia at 3pm head north and reached home at midnight. It’s as if i took a flight from naia to Dubai something like that.”
“The VIPs couldn’t relate.”
“Tpos si BBM ay tawa and takip muka lang. Jusko, Philippines.” (Totoo naman kaya?)