Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
TRENDING ang kumalat na video ni Cristine Reyes kung saan ipinakita niya ang kakayahan niyang humawak ng iba’t ibang klaseng baril.
Actually, may mga nagsabing para siyang pro dahil naasinta naman niya ang kanyang target.
Makikitang enjoy din ang aktres sa kanyang bagong hobby.
Sa comment section, napa-react ang boyfriend niyang si Marco Gumabao ng: “Hindi po ako lalaban.”
Marami namang kinilig sa sweetness ng magdyowa.
Hirit ng kibitzers, paghahanda raw marahil ang bagong hobby ng aktres sa pangarap nitong maging full-fledged action star.
Dati na noong sumabak ang aktres sa action-revenge movie na “Maria.”
May mga kate-katera namang nagbabala kay Marco na lagot daw ang sexy Viva hottie if ever na tangkain nitong lokohin o i-ghost ang nobya.
Ito ang samu’t saring kate-katera.
“Naku, Marco, ingat ka kay Cristine.”
“After ‘Maria’ sana mas marami pa siyang action movies na gawin.”
“Astig si Cristine. Puwede niyang karerin ang maging female action star.”
“Lagot ka, Marco. Huwag mo paiiyakin si Aa. Isang bala ka lang!”
“Hahaha! Suko agad si Marco.”
“Tama lang sa mga babaeng dipensahan ang kanilang sarili lalo na sa mga cheater.”
“Wow, putukan galore.”
Sina Cristine at Marco ay huling nagtambal sa seryeng “Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan” na TV remake ng pelikulang pinagtambalan nina Vilma Santos at Christopher de Leon sa orihinal na film version.