Advertisers

Advertisers

Lider ng NPA inaresto uli sa loob ng selda

0 13

Advertisers

INARESTO ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa bisa ng warrant of arrest ang isang mataas na lider ng New People’s Army habang ito ay nakapiit sa Tangub City Jail sa Misamis Occidental.

Ayon kay CIDG Director, Major General Romeo Caramat Jr., inaresto si Matias Gaquit na may kinakaharap na panibagong kaso ng murder.

Nakapiit si Gaquit dahil sa mga kasong murder, rebellion at frustrated homicide.



Inibalas ang WOA ng korte sa Sindangan, Zamboanga del Norte at walang inirekomendang piyansa para dito.

Nabatid na nagsisilbing 1st Deputy Secretary ng Guerilla Front Sendong ng Western Mindanao Regional Party Committee ng CPP-NPA si Gaquit.