Advertisers

Advertisers

LTO HANDA NA SA PAGHULI SA MGA JEEPNEY SA PEB. 1

0 17

Advertisers

TINIYAK ni Land Transportation Office (LTO) chief Vigor Mendoza na pinaghahandaan na ng ahensya ang pagdakip sa mga unconsolidated jeepney simula Pebrero 1, 2024 matapos nitong pulungin at ipatawag ang mga regional director ng ahensya.

Kaugnay nito, nanawagan din si Mendoza sa mga unconsolidated jeepney na sumali sa mga kooperatiba bago mag-expire ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) memorandum na nagpapahintulot sa kanila na mag-operate hanggang Enero 31.

“Para alam rin namin kung ano’ng support facility we can still coordinate with LTFRB, DoTr (Department of Transportation) na baka pwedeng magbigay ng special permit. Ayaw naman natin na mag-enforce tapos walang masakyan ang mga tao sa baba,” sinabi pa nito.



Kaugnay nito ayon sa ulat, ipinag-utos na rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga opisyal ng barangay na ipagbawal ang mga unconsolidated jeepney na bumiyahe sa kanilang mga ruta simula Pebrero 1.

Pero may mga driver na nagsabing magpapatuloy pa rin sila sa pamamasada sa kalsada kahit na matapos na ang tinatawag na franchise.

Lumalabas sa datos ng LTFRB na noong Enero 19, may kabuuang 1,767 ruta sa buong bansa ang walang pinagsama-samang mga jeepney driver at operator.

Samantala ang Bicol ang may pinakamataas na bilang ng mga ruta na walang pinagsama-samang PUJ sa 451. Sinundan ito ng Metro Manila na may 320.

Isa pang rutang inaasahang maaapektuhan dahil sa kakulangan ng pinagsama-samang jeepney ay ang rutang Paco-Rotonda-Nagtahan, na may ilang paaralan at opisina. (Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">