Advertisers

Advertisers

MABUHAY ANG MMDA, NCR MAYORS

0 12

Advertisers

BINIGYAN ng pinakamataas na karangalan ang Metro Manila bilang siyudad na may pinakamasikip na daloy ng trapiko sa buong mundo batay sa pag-aaral na isinagawa ng kilalang TomTom Traffic – isang banyagang organisasyon.

Isinagawa ang pag-aaral nitong nakalipas na panahon ng Kapaskuhan sa mahigit 300 na siyudad ng iba’t-ibang bansa kung saan nakuha ng Metro Manila ang korona sa sobrang sikip ng daloy ng trapiko.

At nang dahil marahil sa resultang ito ay talaga naman nakuha pa na magparamdam ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng kanyang kahandaan na pumasok sa eksena sa paghuli ng mga kolorum na dyip.



Ito yung patungkol sa pagsapit ng unang araw ng Pebrero dahil sa isyu ng tinatawag na ‘consolidation deadline’ na tinatayang maraming dyip na matitigas ang ulo ng mga may-ari ang mawawalan ng prangkisa.

Naging hari na [nga] ng sobrang sikip na daloy ng trapiko ang Metro Manila na dapat [sana] unahin ng MMDA na mabigyan ng tunay na solusyon ay nakuha pa nitong umepal sa mainit na isyu ng ‘consolidation’.



Tanong ko lang sa pamunuan ng MMDA, ito ba ang direksiyon o polisiya ng mayorya ng 17 alkalde ng Kamaynilaan? Itong mga alkalde kasi ang gumagawa ng mga polisiya na dapat ipatupad ng MMDA hindi kung sinuman opisyal diyan.

Kung numero uno sa kalidad ng sikip ng daloy ng trapiko ang Metro Manila ay sampal ito sa mga operatiba ng MMDA at ganoon din sa ‘Honorable Mayors’ ng Metropolitan Manila bilang tinatawag na ‘policy-makers’ ng nasabing ahensiya.



 

* * *

Umani ng batikos ang ginawang paggamit ng Pangulo sa opisyal na ‘choppers’ nang manuod ito ng konsiyerto sa lalawigan ng Bulacan kamakailan. Pero simple lang ang tugon nila: banta sa seguridad ng Pangulo ang sobrang sikip ng daloy ng trapiko.

Sikip pala ng daloy ng trapiko ang kanilang dahilan kaya inaasahan ng taumbayan na mayroong mga opisyal ng gobyerno ang dapat ‘gumulong ang ulo’ sa isyung ito upang bigyang-katwiran ang tugon ng Malakanyang.

Pero tingin ko ay mas lalong batikos ang aabutin kung mga kotse ang ginamit dahil lalong magbabara ang daloy ng trapiko dulot ng komboy ng Marcos Jr. – bago pa man, habang at pagkalipas dumaan ng Pangulo ay tiyak nakahinto ang lahat ng mga sasakyan.

***
Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com