Advertisers
SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Martes na ang mga lagda sa People’s Initiative na nakuha kapalit ng pera ay dapat ipawalang bisa ng Commission of Elections.
“Well, pagka binayaran ‘yung signature, hindi tatanggapin ng Comelec ‘yun. So walang magandang mangyayari,” sinabi ng Pangulo sa isang panayam ng media sa opisyal na pasinaya ng Lung Transplant Program of the Lung Center of the Philippines (LCP) at ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City.
Ibinasura rin ni Marcos ang mga ulat ng pagbili ng lagda para sa naturang kampanya, ngunit binanggit ang ilang mga ulat na nangangako ng ilang mga benepisyo upang maakit ang mga botante na pumirma. Aniya, tatanungin niya ang mga miyembro ng Kongreso kung totoo ang mga ulat.
Binanggit din ni Pangulong Marcos ang mga mungkahi na suspindihin ng mga ahensya ang kanilang mga programa sa serbisyong panlipunan upang hindi magamit nang labis sa inisyatiba na nagsasabing hindi maaaring pigilan o ihinto ng gobyerno ang pagpapatupad ng alinman sa mga serbisyo nito dahil maraming Pilipino ang nangangailangan ng tulong.
Sa halip, sinabi ni Marcos, dapat payagan ang Comelec na gawin ang trabaho nito sa pag-validate ng mga pirma. (Vanz Fernandez)