Advertisers

Advertisers

Delivery rider arestado sa ‘holdup me’

0 11

Advertisers

ARESTADO ang isang delivery rider na naunang nag-report sa pulisya na hinoldap ang koleksyon nito sa Davao City.

Kinilala ang rider na si Bryan Sistual Capote, 20 anyos, taga-Kulagsoy, Barangay Tacunan, Davao City.

Sa pahayag ni Capote, hinoldap siya ng riding-in-tandem sa Sitio San Miguel, Brgy. Catalunan Grande nitong Enero 19 at tinangay ang kaanyang koleksyon na P17,000 at ilang ide-deliver na parcel.



Isinalaysay ni Capote na nangyari ang insidente malapit sa pinaradahan nito ng motorsiklo matapos tutukan ng patalim habang idiniliber ang mga dalang package sa naturang lugar.

Gayunman, kinontra ito ng regular customer ni Capote na si Marvin San Juan Baylosis na nagsabing wala siyang nakita o narinig na komosyon sa lugar.

Sinabi ng pulisya, nakita sa GCash account ni Capote na nagkaroon ng fund transfer na aabot sa P17,000 na nauna niyang sinabing tinangay ng dalawang naka-motorsiklo.

Sa bandang huli, Inamin ni Capote sa kanyang employer na hindi nagkaroon ng holdapan at “gawa-gawa” lamang nito ang insidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">