Advertisers

Advertisers

DoF Sec. Recto itinangging may panibagong pagbubuwis ngayong taon

0 3

Advertisers

MARIING itinanggi ni Department of Finance Secretary Ralph Recto na magkakaroon ng panibagong pagbubuwis ngayong taon.

Ayon kay Recto, kapag nagpatupad ng panibagong pagbubuwis ay makakadagdag ito sa inflation na siyang pangunahing ikinakabahala ng mamamayan sa bansa.

Patuloy parin nilang inaaral at isinasaayos ang mga tax proposals na naipasa sa pinalitan niyang si dating finance secretary Benjamin Diokno.



Kahit aniya na walang mga panibagong pagbubuwis ay tiwala parin ito na makamit ang P4.3 trillion na revenues ngayong taon.

Hinimok niya ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) na paigtingin ang kanilang revenue collections at maging transparent gaya ng pag-iwas sa kurapsyon at isulong ang digitalization.