Advertisers
Ni BETH GELENA
IBINAHAGI ni Ruffa Gutierrez ang nakakaantig na post ni Alexa Gutierrez, ang kanyang sister-in-law.
Si Alexa ay wife ng younger brother ni Ruffa na si Elvis.
Ani Alexa: “My hair is falling but my faith isn’t.”
May sakit na leukemia ang wife ni Elvis.
Ang nasabing post ay shinare ng former beauty queen sa kanyang IG stories at nilagyan din niya ng caption, “You are a warrior.”
Dinagdagan niya ito na isama sa prayers ang kanyang sister-in-law.
Kamakailan lang din ay binahagi ni Ruffa ang video ng nakababatang kapatid na pinagmamasdan ang kanyang misis na nakahiga sa bed sa hospital.
Sa particular video ay hawak ni Elvis ang kamay ng asawa habang inihahaplos sa kanyang pisngi at masayang hinahalik-halikan nang paulit-ulit.
Wala sa video si Alexa, pero pinost ni Annabelle Rama ang larawan nito na kalbo na siya na ngayon ay kumalat na sa Internet.
Nilagyan niya ng caption ang larawan ni Alexa.
Aniya: “Ikaw pinakamagandang kalbo.”
***
KC FLINEX BAGONG LARAWAN SA IG
NAG-trim down na ang pangangatawan ni KC Concepcion.
Kahit naman may pagka-chubby siya noon, ang kagandahan niya talaga ay hindi matatawaran.
Sadyang maganda ang anak nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta.
May post na larawan ang actress-entrepreneur sa kanyang Instagram feed na positibong hinangaan ng marami.
Ani KC sa kanyang stunning photo: “be the best version of yourself”
Agad na nag-viral ang kanyang larawan.
Bumaha ng positibong komento mula sa netizens ang posted photo ni KC:
“KC, you’re so beautiful but you look extra beautiful today in your post.”
“Like mommy, like daughter.”
“Wow! A lady in red, so gorgeous looking KC. You’re ready for Valentine.”
Nauna rito ay may post din si KC sa social media na may meaningful message tungkol sa flowers. The celebrity entrepreneur said that in order for plants to have flowers, they must welcome the rain.
Aniya pa, “that such plants and flowers should bloom during good times and become better during bad moments.”
***
GERALD DINALA SA US ANG PAMILYA NI JULIA PARA MAGBAKASYON
NAIINIP na ang elder sister ni Julia Barretto na si Dani sa relasyon ng kapatid at sa boyfriend nitong si Gerald Anderson.
Nang kumpirmahin ni Gerald ang relasyon nila ng young actress ay mas naging controversial topic noon ito sa social media lalo pa at ginhosting niya umano ang dating girlfriend na si Bes Alonzo.
Kung anu-anong bad comments ang pinukol noon kina G at Julia.
Despite the controversies, yumabong ang relasyon ng dalawa.
Ilang taon na rin sila at ang kanilang fans ay naiinip na kung kelan ba sila magpapakasal at maging ang elder dister ni Julia.
Kamakailan ay nakunan ng pahayag si Dani hinggil sa pagpapakasal ng JuRald.
Ayon dito, wala pa raw immediate plan sina Julia at Gerald hinggil sa wedding.
Mag-27 this year ang kapatid.
Nakapagsalita kasi noon ang aktres na may plano siyang mag settle down at the age of 26.
“Pero kasi may mga goals pa kasi sila (ni Gerald Anderson), na gusto nilang ma-hit or magawa bago pa nila ‘yun maisip and they’re still enjoying, so parang ‘wag n’yong i-pressure, Diyos ko naman, mahaba pa,” nararawang sabi ni Dani.
Bilang nakatatandang kapatid, sinabihan niya si Julia na i-enjoy muna nila ng aktor ang lahat.
Pagbabahagi pa niya, “JuRald are enjoying each other’s company so well.”
Kasama nila si Gerald nang magbakasyon ang buo nilang family sa States.
“They’re just happy living life, going on adventures, so siguro parang enjoy-in lang muna nila ‘yun,” pahayag pa ni Dani.
Nasabi rin nito na her sister would end up with Gerald.
“Oo, kasi swak din siya sa family ko, eh. Parang swak talaga siya sa family namin and we adore him. He’s a great guy and I think, ‘yun ang hindi nakikita ng tao sa side of him. That he’s such a generous, he’s so kind,” wika pa ni Dani.
Pagbubulgar pa ni Dani na si Gerald daw ang nagdala sa kanila sa US.
“The actor is really generous with his time and exerts effort for the family.”