Advertisers
NASAWI ang 27-anyos na binata matapos tuklawin ng cobra sa Paniqui, Tarlac.
Kuwento ng ama ng biktima, kasalukuyang umiihi sa labas ng bahay ang anak na si JR Bungay nang matuklaw ng ahas.
Nagawa pang dalhin sa opsital si JR pero nasawi rin. Nahuli naman ang kobra na limang talampakan ang haba na isinilid sa sako at kinatay.
Sabi ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), labag sa batas ang pagpatay sa wildlife animals maliban lang kung nalagay sa alanganing sitwasyon ang nasa paligid nito.
Pinaalalahanan ng ahensya na i-surrender sa kanila kapag may nahuling ahas.