Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA panayam kay Luis Manzano ng ABS-CBN, sinabi niya na graduate na siya sa pagiging host ng mga reality TV at game show. Feeling niya, it’s about time na bigyan naman ng chance ang young generation ng mga Kapamilya host na maaaring sumunod sa kanyang mga yapak.
‘Yun ang sagot niya sa tanong sa kanya, na kung magbabalik na ba ang reality competition na Pilipinas Got Talent, kung saan siya naging host ng ilang beses, ay siya ba ulit ang kukuning host nito.
Wala pa raw siyang idea kung muling magkakaroon ng “PGT” pero aniya, maraming promising host ngayon na pwedeng pumalit sa kanya sa show as a host.
Sabi ni Luis,”Congratulations sa kung sino man, hindi ako eh, kumbaga nag-rest na ko sa ‘Pilipinas Got Talent.’ Sabi ko nga why not give it to the new generation
“Nakikita kong pwede si Robi (Domingo), si Donny (Pangilinan), pwedeng si Edward (Barbers)or maybe si Enchong (Dee). It’s about time na ibigay na yung mga ganu’ng show sa kanila,” aniya pa.
Ang naiisip daw ni Luis na pwede niyang gawin in the future ay mga game show o reality TV with original concept.
Sa ngayon daw ay super happy siya sa pagiging daddy sa anak nila ni Jessy Mendiola na si Rosie o Baby Peanut. Looking forward din siya sa pagbabalik-showbiz ng kanyang wifey very soon.
Sey pa ni Luis, hindi siya makikialam sa magiging diskarte ni Jessy sa kanyang showbiz comeback. Hindi rin niya pagbabawalan ang asawa na gumawa ng intimate at daring scenes.
“She can do whatever she wants. If it will give you artistic fulfillment, then by all means go ahead,” paliwanag pa ni Luis.
May plano na ba sila ni Jessy na magkaroon ng baby number 2?
“May mga contractual obligations pa na kailangang asikasuhin. Pero hopefully, in a year or two eh maging ‘ate’ na si Peanut,” sagot niya.
***
SA isang interview ni Congressman Richard Gomez, sinabi niya na nami-miss niya na ang gumawa ng pelikula. Mayor pa ng Ormoc City ang actor-politician nang gawin niya ang pelikulang Three Words To Forever (2018) na reunion movie nila ni Sharon Cuneta.
Ngayon ay congressman na siya at ang trabaho niya sa House of Representatives ay mula Lunes hanggang Miyerkules. At hindi pa nasusundan ang pelikulang ginawa nila ng dating girlfriend.
“Nami-miss ko nga, e,” sabi ni Richard.
Drama ba ang gusto niyang gawin?
Ang natatawang sagot ni Congressman Richard,“Drama. Siyempre, love story, di ba? Sayang naman ang kaguwapuhan natin. Ha! Ha! Ha! Ha!”
Sino naman ang leading lady niya, if ever?
“Wala pa, wala pa.”
Okey lang ba sa kanya na young actress ang katambal niya?
“Oo naman,” mabilis na tugon ni Congressman Richard.
“Thirty-three years old lang ako,”aniya pa na nagbibiro dahil sa darating na Abril ay 58 years old na siya.
Okey lang sa kanya na ang love interest ay kaedad ng 23-year-old daughter niyang si Juliana?
“Oo naman. Oo, kaya. May-December affair, ganun ba?”
May nagsabi na pwede silang pagtambalin ni Andea Brillantes
“Kahit sino, puwede.”
Willing ba siyang makipag-kissing scene kay Andrea?
“Kung willing sila, di ba? Who am I to say no?”