Advertisers

Advertisers

ONE-ON-ONE PANAYAM KAY CHAMP FLM

0 3

Advertisers

NAGKAROON ng pagkakataong makadaupang-kamao ng korner na ito ang kontrobersyal na personaheng Pinoy na si Francis Leo Marcos , kilalang FLM ng madlang pipol.

Nagpaunlak siya ng one-on-one panayam kahit napaka-hectic ng kanyang iskedyul .

Nakatakda ang interview sa kanyang bagong haybol sa subdivision ng mga high ends. Sinalubong ako ng kanyang trustedmen na sina Bhon2 at Bennoks sa kabilang gate na kumamay sa akin na may bakas ng pulbos ang kamay (halatang naglalaro ng pool).



Ilang sandali pa ay naroon na ako sa kanyang wari ko’y paboritong hang-up sa well -ventilated space na may magara at alam kong mamahaling branded billiards pool at sa kabilang glasswall ang isa pang pool para naman sa swimming.

Rumerepeke ang tunog ng mga nasasargong billiard balls habang inaantay na pala ako sa kanyang nakakarelaks na praktisan at aktwal na tumbukang pangarap magkaroon ng ganoon ng lahat ng bilyarista.

“Oh Kuya Dan (tawag niya sa akin), nauna na ko sa iyo at ready na sa interview “salubong na fistbump ng nakaputing kamiseta at shorts na kilala kong ‘bayani ng pandemya’ matapos isalansan ang 9-balls sa velvet table

Noon ko lang nalamang billiards enthusiast pala siya at isang batikang bilyarista na tiyak na walang mintis ang praktis.

Pagkahigop ko ng maaromang instant kape ay iniabot niya sa akin ang isang uniko na tako na di mabibili sa Raon o saan mang sports shop sa Kamaynilaan. Hawak ko pa lang ay feeling champ na ako.



Sinenyasan niya akong sumargo at ang sabi niya.. kuya Dan..GAME NA!

Sa isip ko ay baka kaya niya ako pinasargo ay una’t huling tumbok ko iyon. Posible naman iyon sa nakita kong pasakalyeng tumbok niya .

Sumipat na ako pero tinanong ko na siya para sa unang salvo ng panayam.

“Champ kumusta ang pakiramdam ng isang ‘freeman?”, isang malakas na sargo ang aking pinawalan. Kalat ang 9 na bola pero walang nasulingang butas.

“Una sa lahat ay nagpapasalamat ako sa ITAAS sa Kanyang gabay at mga taga- suporta thru thick and thin, lalong tumaas ang aking adrenaline na makatulong sa kababayan natin at iwinaksi ko na ang galit sa mga naging dahilan ng dusang dinaanan sa hoyo nang di ko dapat naranasan,”in high note na sagot ni FLM habang tinitisaan ang dulo ng kanyang presyosong tako na mukhang uubusin ang bolang kalat (maliban sa dalawa) sa kanyang sipat.

Dikit ang dilaw na UNO at asul na DOS, one-ball sa pocket kaya magkasunod ang pasok para preparasyon sa pulang TRES. Balewala at di istorbo sa asinta lalo’t ‘ala nang face mask.

“Ang mahalaga ay patuloy ang ating adbokasiya sa masa.Iyong mga nagkasala sa akin manigas na lang sila at di ko na sila papatulan ,” sambit ng humanitarian champ habang sinusuri ang latag ng bola kung saan ay may problema (sa tingin ko) dahil nakadikit sa banda ang dilaw na istrayp na NUEVE halos kiss ball sa ubeng CUATRO na higit isang piye sa corner pocket na tsansa kong makatira pag-nagkataon.

Pininahan ng sobrang nipis ang red ball pasok sa side pocket at bumanda ang pamato pektos patungo sa striped yellow 9 upang pingkiin ito at mawala sa dikit habang lumugar naman ang motherball sa bulilyong purple para sa easy pocket.

“Nagkamali ang mga angkan ni Taning na nagpa- hoyo sa akin, akala nila ay mapipigil nila ako sa paggawa ng mabuti sa loob pero hanggang doon ay nagpatuloy ang ating pagtulong sa mga nilalang na hindi lahat ay nagkasala kundi biktima ng injustice sa labas.Instant idol tayo ng mga kosa kaya lalong di na- take ito ng mga nasapawan sa paggawa ng mabuti kaya sa awa ng Diyos ay malaya na ang inyong lingkod, salamat ng lubos,” diin pa niya sabay sipat ang kahel na CINCO dahil nakaharang sa pocket ang itim na OTSO kahilera ang tsokolateng SIYETE at nasa bukana ng side-pocket ang berdeng SAIS.

Tinumbok na mala-Efren ‘Bata ni FLM ang ang orange ball diretso sa banda doblete patungong winning ball 9 na pasok sa right corner pocket. Tapos ang boksing este bilyar habang ako ay mangha pa rin sa mahirap na tirang iyon na mani lang pala sa batang Marcos..

“Nakatataba ng puso ang mensahe sa socmed sa akin ng mga supporters natin sa loob at labas na lalong dumadagsa ngayon habang nasasapawan ang mga handful na basher pulpol sa wa-epek nilang kahol “, ani pa FLM sabay ang elbow to elbow gesture habang bumitaw pa ako ng tanong matapos ang kanyang mala-varsity pool show bago ang sumptous dinner na handa niya sa kanyang abang bisita kasalo ang mga itinuring niyang kapamilya sa mansiyong iyon ng isang pinagpalang dugong bughaw ng maharlikang angkan ng Antonio- Marcos, di ba dj Lemmor at kuya pres.Dong B?

Ang larong billiards ay sumasalamin kay FLM bilang puting pamato na sa kanyang precise na tumbok ay nakasalalay ang direksyon ng mga bulilyong naghahanap ng masusulingan sa karambola ng buhay. Lalo na ngayon milyun- milyon na ang nakakabahagi araw-araw worldwide ng kanyang pilantropong buhay.Dr. Francis Leo Antonio Marcos PhD ( D.Hum Honoris Causa) ,

MABUHAY!!!