Advertisers
APRUBADO na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtataas ng presyo ng sabon, canned sardines, at powdered milk.
Inaasahang aakyat ang presyo ng toilet o bath soap ng P1 hanggang P4; canned sardines ng P2 hanggang P3.59; at powdered milk ng P3.5 hanggang P6, ayon sa ulat nitong Huwebes.
Bukod sa mga nasabing produkto, pinag-aaralan din ng DTI ang panukala ng ilang manufacturers na dagdagan ang presyo ng bottled water, instant noodles, tinapay, at iba pang canned products kabilang ang corned beef at meat loaf, maging kandila at baterya.
Sa ilalim ng panukala, tataas ang presyo ng gatas ng P3.50 hanggang P6.00; tinapay ng P2.00 hanggang P2.50; instant noodles ng P0.30 hanggang P1.75; bottled water ng P1.00 hanggang P6.00; processed canned meat ng P6.00 hanggang P33.00; condiments ng P0.60 hanggang P0.65; kandila ng P6.00 hanggang P30.00; at baterya ng hanggang P10.00.
Nakaamba na ang price hikes para sa basic commodities sa pagpasok pa lamang ng taon.
Ayon sa DTI, nagpetisyon ang manufacturers ng price increases noong pa lamang 2022 subalit hiniling sa mga ito na ipagpaliban ang impelementasyon.
Makikita rin ang taas presyo sa nasabing mga produkto sa pamamagitan ng e-Presyo.