Advertisers

Advertisers

Sinipa!

0 7

Advertisers

Kahit 70% ng mga laro mo sa NBA ay naipanalo ay tinanggal ka pa rin bilang head coach. Oo may kartadang 30 W-13 L nga si Coach Adrian Griffin ng Milwaukee pero pinalitan pa rin siya. May kulang pa rin daw kaya pangalawa lang sila sa Eastern Conference.

Yung dati ngang humawak sa Bucks na si Mike Budenholzer ay pinaalis makalipas lang ang dalawang taon nang magwagi ng korana para sa prangkisa.

Win now kasi ang mga pilosopiya ng mga owner at GM na talagang gumagastos ng todo. Nais din nila na maging masaya parari ang mga star player kaya nagagawa nila ang magpatalsik ng HC kahit may kontrata pa sa kanila.



Ipinalit si Doc Rivers na bakante at walang trabaho sa anumang koponan, Tingnan natin kung mapalakas pa niya sina Giannis Antetokounmpo, Damian Lillard at mga kakampi at makasunkit ng isa pang titulo.

Sa ganitong kalakaran ay kinakabahan na ang mga tulad nina Steve Kerr ng Golden State at Darvin Ham na parehong below expectation ang performance.



Unang nasisisi ang bench tactician bago ang mga superstar na cager.

Hay, naku buhay coach!



***

Ayon kay Rasheed Wallace ay mas mainam ang NBA noong araw dahil may physicality ang game.

Ngayon daw kasi ay kaunting dikit ng bantay sa shooter ay tatawagan na ng foul. Pabor na pabor raw ito sa mga shooter gaya ni Steph Curry.

Sabi ni Wallace nag-unipiorme ng Washington, Detroit, New York, Atlanta , Portland at Boston ay hindi maganda ang ganito para sa liga.

“Tumataas lang ang score kasi nawawalan ang pisikalan, “ wika ng 6’11 na sentro.

Tapos humahaba ang laban dahil sa free throws.

Para naman kay Tata Selo ay nakadagdag sa excitement ang makita ang mga tres ni Curru at mga dakdak ni LeBron James. Pang-highlight play daw ang mga ganoong tira.

“Hindi naman laman ng mga top ten play ang mahigpit na depensa, “ paliwanag ni Tatang.

***

Lumalabas ang mga ulat na posible raw pumasok sa PBA ang Strong Group Athletics na may koponan ngayon sa Dubai International Basketball Championship sa pangunguna ni NBA veteran Dwight Howard.

Yung grupo kasi nasa ikatlong taon na sa maikling torneo sa siyudad ng UAE, may team na sa PVL at ang may-ari ay backer ng Letran Squires at St Benilde Blazers.

Pero teka raw muna eka ni Ka Berong. Hindi daw ganoon kadali ang mag-maintain ng squad sa pro league.

Malayo nga naman ang tatlong conference sa isang season at pagsali sa liga na pinamunuan ni Commissioner Willie Marcial.

Oo nga naman kahit pa may karanasan ka sa pag-sponsor ng mga basketball at volleyball team.

Mas malaking pondo nga naman ang kailangan. Kaya nga naman mga higanteng kumpanya lang tumatagal sa PBA.

Baka nagsisipsip lang sa may hawak ng SGA ang gumagawa ng mga ganyang balita. Hehe.