Advertisers

Advertisers

Bagong Pilipinas rally ni PBBM suportado ni Ex-Presidential Assistant II, Commissioner Atty. Luna

0 47

Advertisers

Bagong Pilipinas rally ni PBBM suportado ni Ex-Presidential Assistant II, Commissioner Atty. Luna

Nagpaabot ng suporta si dating Presidential Assistant II, Commissioner Atty. Manuelito Luna sa gaganaping Kick of Rally ng Bagong Pilipinas ngayong Linggo, Enero 28, 2024, sa Quirino Grandstand, Manila.

Inaanyayahan ni Atty. Luna ang sambayanan Pilipino na dumalo sa naturang Kick of Rally ng Bagong Pilipinas.



“Manindigan para sa Pambansang pagkakaisa! Manindigan para sa Bagong Pilipinas! I stand with our President, Ferdinand R. Marcos, Jr.,” Atty. Luna.

Matatandaang kapartido ang dating Presidential Assistant II, Commissioner na si Atty. Manuelito Luna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Partido Federal ng Pilipinas.

Ayon pa kay Atty. Manuelito Luna, “Dadalo ako, kasama ang ilang kababayan at kagrupo ko sa Policy Reforms Initiatives Management (PRISM), para ipakita ang aming suporta sa ating mahal na Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., para sa “Bagong Pilipinas”.

Aniya, tama ang direksyon na tinatahak ng bansa dahil sa sipag at magandang pamamahala ng gobyerno ni Pangulong Marcos, Jr.

Dagdag pa ni Atty. Luna, na napapanahon na para magkaisa ang buong bansa tungo sa magandang bukas at sa ikauunlad ng bayan.



“Kung gaano katindi ang suporta nito at ng kanyang grupo noong eleksyong 2022 sa ating Pangulong BBM ganoon din katindi ang suporta niya sa Pangulo at Bagong Pilipinas”.

Kapwa nito sinusuportahan ang kasalukuyang administrasyon at Bagong Pilipinas.

“Iniimbitahan ko ang lahat na dumalo sa rally sa Quirino Grandstand sa Linngo, Enero 28 para manindigan sa Bagong Pilipinas.”