Libreng training sa mga Manileño na na is ng trabaho o magsimula ng negosyo – Mayor Honey
Advertisers
INIMBITAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga residente ng lungsod na nais matuto ng bagong kaalaman para makahanap ng trabaho o di kaya ay magtayo ng maliit na negosyo, na i-avail ang libreng training na iniaalok ng Manila Department of Social Welfare (MDSW).
Ayon kay Lacuna, sa pamamagitan ng Manila Manpower Development Center (MMDC) na nasa ilalim ng MDSW, pagkakalooban nila ng libreng training ang mga interesadong residente upang magkaroon ng pagkakataong makapagtrabaho o makapagnegosyo.
Sinabi ng alkalde na ang programa ay naglalayong magdebelop ng industry-skilled workers o entrepreneurs, sa pamamagitan ng skills training at mga related services, partikular na para sa mga economically-disadvantaged na pamilyang naninirahan sa lungsod.
“We hope to achieve socio-economic improvement among individuals and/or families through gainful employment,” dagdag pa ni Lacuna.
Sa bahagi ni MDSW chief Re Fugoso, sinabi nito na kailangan lamang ng mga aplikante na magtungo sa MMDC Office na matatagpuan sa A. Villegas St. (Arroceros) at magdala ng barangay clearance, vaccine card, valid ID at 1×1 picture.
Tiniyak ni Fugoso na libre ang training para sa mga nais kumuha ng kursong barista, baking, bread and pastry, cookery, cooking at food processing, beauty care (skin and nail care), digital printing, food and beverage services, garments trade, hairdressing, housekeeping, hilot wellness, massage therapy, at unisex haircutting.
Magkakaroon rin ng demonstrasyon sa paggawa ng alcohol o alcohol making (70% Isopropyl), bag making, candle making, dishwashing liquid soap making, fabric softener making, glycerin herbal soap, hand soap making, hand and body liquid soap, liquid cleaner, curtain making, massage oil making, perfume making, powder detergent making, vapor rub making at meat processing.
Nabatid na sa huling bahagi lamang ng taong 2023, nasa 499 residente ang nag-avail ng libreng training, kabilang ang ilan na kumukuha pa ng dalawang kurso.
Sabi pa ni Fugoso, ang mga makakatapos naman ng kurso ay bibigyannila ng certificates of completion. (ANDI GARCIA)