Advertisers
Tinatayang aabot sa P800,000.00 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isinagawang drug buy bust operation sa Brgy, Lapaz sa bayan ng Magalang nitong Enero 27, 2024.
Sa report na tinanggap ni PNP Region-3 Director BGen.Jose Hidaldo Jr., kinilala ang suspek na si alyas Fred, 45 anyos, at residente sa nabangit na lugar.
Base sa paunang imbestigasyon ng mga pulis nagpanggap na poseur buyer ang isa sa mga operatiba na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.
Nakuha kay alyas “Fred” ang 122 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P829,600.00, isang cal.38 revolver, isang improvised handgun na kargado ng bala at buy bust marked money.
Samantala, detenido ang suspek sa Magalang Municipal Jail sa kasong paglabag sa Republic act 9165.(Thony D. Arcenal)