Advertisers

Advertisers

Dating tauhan ni Du30, kinakausap na ng ICC investigator

0 19

Advertisers

KINAKAUSAP na umano ng mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC), ang dating tauhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para gawing testigo at isa sa complainant sa madugong drug war ng dating administrasyon.

Sa zoom interview ng mga Justice reporters kay retired SPO4 Arturo Lascanas, sinabi nito na “ang lahat ng mga specific cases na pinatay namin na naalala ko ay inilahad ko sa aking testimonya sa International Criminal Court (ICC).

Nabatid na nakahanda si Lascanas na sabihin sa ICC ang lahat ng kanyang nalalaman.



Nabatid na bahagi ng testimonya ni Lascanas sa ICC, ang pag amin na isa siya sa mga original members ng Davao Death Squad ni Duterte.

“Kami ang mga inuutusan niya na pumatay sa libu-libong tao sa Davao City and nearby areas from 1988 hangang sa umalis ako sa grupo nung Dec 2016. Nung una, mga petty criminals ang pinapatay namin hanggang sa kinalaunan ay mga kalabang personal, karibal sa negosyo o kritiko sa pulitika, gaya ng broadcaster na si Jun Pala, ang pinapapatay samin ni Mayor Duterte na tinatawag din namin na “Superman,” ayon kay Lascanas.

“Madalas, inuutos samin ito directly ni Mayor Duterte; ni Sonny Buenaventura, ang head of operations ng Davao Death Squad; ni Bong Go na alalay ni Duterte; o ni Bato dela Rosa, nung sya ay Chief of Police ng Davao City. Kami po ang mga berdugo ng Davao City at ang mastermind namin ay si Rodrigo Roa Duterte, “dagdag ni Lascanas.

Muling sinabi ni Lascanas na katulad ng kanyang testimonya noong 2017 sa Senado humihingi siya ng tawad sa mga pamilya ng kanilang mga biktima at sa taong bayan at ipinagdarasal rin niya sa Diyos ang kanyang kapatawaran.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">