Advertisers

Advertisers

Ginang, binaril-patay ng PDEA agent sa away sa lupa

0 4

Advertisers

NASAWI ang isang ginang nang pagbabarilin ng dalawa nitong pamangkin dahil sa away sa lupa sa isang compound sa Sitio Beranio, Barangay Lantad, Silay City, Negros Occidental.

Kinilala ang biktima na si Jossie Mondejar, 54 anyos, ng Barangay Lantad.

Ayon kayLt. Colonel Mark Anthony Darroca, hepe ng Silay PNP, nasa labas ng kanyang bahay si Mondejar nang dumaan ang isa sa kanyang mga pamangkin na si Aljun Bitalac, 29, isang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent.



Matapos ang ilang minuto, sinundan si Bitalac ng nakababata niyang kapatid na si Alfredo Jr., 18, armado ng baril, saka binaril sa ulo ang biktima.

Tumakas ang magkapatid na Bitalac, habang dinala si Mondejar sa isang ospital kungsaan ito namatay.

Narekober sa crime scene ang bala ng .45 caliber pistol.

Sinabi ni Darroca, naaresto ang mga salarin sa isang bahay sa Barangay Lantad.

Sa report, isang PDEA agent si Aljun na nakatalaga sa Mindanao at nakabakasyon nang maganap ang insidente.



Ani Darroca, pinagbantaan ni Aljun ang biktima ilang araw na ang nakalilipas. Nagtatayo kasi ang biktima ng dibisyon sa kanilang mga tahanan na nauwi sa pagtatalo.

Mayroon narin naunang hindi pagkakaunawaan ang mga pamilya ng mga salarin at biktima.

Ayon kay Darroca, sasangguni sila sa PDEA upang mabawi ang armas ni Aljun para sa ballistic examination.

Sasampahan ng kasong ‘murder’ ang magkapatid na Bitalac.