Advertisers
NASAWI ang mag-asawang magsasaka nang pagbabarilin habang nag-aani ng niyog sa kanilang sakahan sa Barangay Dancalan Central, Guinayangan, Quezon, Sabado ng umaga.
Kinilala ang mga nasawi na sina Randy Pedregal, 46 anyos; at kanyang misis na si Analisa, 50.
Sa ulat, nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang isa sa dalawang biktima habang sa dibdib tinamaan ang isa.
Agad tumakas ang salarin matapos maisagawa ang krimen.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan upang matukoy ang salarin at ang motibo ng pagpatay.