Advertisers

Advertisers

DILG Sec. Abalos sa mga mayor: ‘TRICYCLES, E-BIKES, PEDICABS BAN SA HIGHWAYS!’

0 42

Advertisers

IPINAALALA nitong Martes ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa local government units (LGUs) na mahigpit ipatupad ang mga regulasyong nagbabawal sa tricycles at pedicabs mag-operate sa national highways.

“Enforce the law dahil kaligtasan ng publiko ang nakasalalay dito,” diin ni Abalos.

Ang pagpapaalala ni Abalos ay kasunod ng pagkadisgrasya ng isang tricycle nang masagi ng pampasaherong bus habang tumatakbo sa kahabaan ng national highway sa Labo, Camarines Norte nitong Pebrero 4.



“It is unfortunate that many LGUs have not been strictly implementing such regulations which often result in traffic congestion and accidents,” punto ni Abalos.

Pero nilinaw ng opisyal na kung wala talagang ibang daan na madaanan, ang LGU sa pamamagitan ng kanilang Sanggunian ay maaring mag-isyu ng ‘exception’.

Samantala, pinuri ni Abalos ang Municipality of San Mateo, Rizal sa mahigpit na pagpatupad sa pag-ban sa e-bikes, tricycles, at pedicabs sa national roads simula nitong Pebrero 5, at hinikayat ang iba pang LGUs na gawin din ito.

“Kudos to the LGU of San Mateo, Rizal sa pagbabawal nila ng mga trike at e-bike sa national road. Matagal na din po natin itong pinapaalala sa ating mga pamahalaang lokal, sana po ay sumunod na din po ang iba,” sabi ni Abalos.

Ang nahuhuling tricycles at pedicabs na dumadaan sa national roads sa San Mateo ay pinagmumulta ng malaki, habang ang drivers ay pinagmumulta rin sa unang dalawang paglabag at pagpawalang-bisa sa franchise sa ikatlong pagkahuli.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">