Advertisers
UMABOT na sa 11 indibidwal na ang naitalang nasawi habang 31 ang sugatan at 49 ang nawawala sa landslide sa Barangay Masara, Maco, Davao de Oro Martes ng gabi, Pebrero 6, 2024.
Batay sa inisyal na ulat ng MDRRMO Maco nitong Pebrero 7, 2024, dalawang Apex Mining bus, isang jeep at mga bahay sa nabanggit na barangay ang natabunan. Umaasa ang mga kaanak na makikita pa silang buhay.
Ilang bangkay na ng mga minero ang nahukay mula sa tone-toneladang putik at mga bato na dumagan sa kanila mula sa gilid ng isang bundok, matapos ang mga pag-ulan ng malakas sa lugar.
Sa kasalukuyan, nasa 758 pamilya na ang lumikas sa mas ligtas na lugar at iba’t ibang evacuation centers.
Patuloy parin ang rescue operations sa nga natabunan ng putik at mga bato na mga sasakyan ng Apex Mining Company Incorporated na maghahatid sana ng mga manggagawa pauwi mula sa naturang barangay na sentro ng mining operations.
Nagtutulungan sa landslide rescue operations ang Bureau of Fire Protection, Army units ng Eastern Mindanao Command, Police Regional Office 11, Davao de Oro provincial government, at Maco Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.