Advertisers

Advertisers

2 pulis sugatan sa bangga ng tumatakas na tulak

0 5

Advertisers

SUGATAN ang dalawang pulis nang banggain ang sinasakyan mobile car ng tatlong drug personalities nang tangkain tumakas sa buy bust operation sa Mabini, Batangas, Miyerkules ng gabi.

Nagtamo ng minor injuries sina Corporal Salavaria at Patrolman Pesigan na nakatala sa Mabini Police Station.

Nakilala ang nadakip na sina alias “Vanessa”, alias “Lhanderson”, at aliasm “Ziegfred”.



Sa report, 8:10 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga elemento ng Mabini Drug Enforcement Group sa Barangay Pulong Niogan, Mabini.

Nabatid na nakatunog ang tatlong suspek na mga pulis ang kanilang nakatransaksyon sa iligal na droga kaya’t tinangka ng mga ito tumakas, pinaharurot ang gamit na sasakyang kulay itim na Nissan Sentra (XPW 329). Pero bumangga sila sa mobile car na iniharang ng mga pulis.

Nadakip ang mga suspek ng mga humahabol na mga operatiba, habang dinala sa pagamutan ang dalawang pulis.

Nakumpiska ng mga otoridad sa mga suspek ang 3 plastic sachet ng shabu na may timbang na 10.60 grams na nagkakahalaga ng P 72,080.00. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">