Advertisers
NASAWI ang isang barangay tanod nang barilin ng nakababatang kapatid habang sakay ng motorsiklo kasama ang asawa nito sa Lipa City, Batangas.
Kaagad namatay si Jayson Gansa, 40 anyos, barangay tanod, sanhi ng tama ng bala sa ulo.
Nadakip naman sa follow up operation ng pulisya ang salarin na nakababatang kapatid ng biktima na si Jonel, 36.
Sa report, 7:30 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa Brgy. Balintawak, Lipa City.
Nadakip ng mga operatiba ang salarin at narekober ang isang caliber .38 revolver na ginamit sa pamamaril.
Matagal nang alitan ng magkapatid ang motibo ng krimen. (Mark Obleada)