Advertisers

Advertisers

Kelot timbog sa sextortion

0 7

Advertisers

ARESTADO ang isang lalaki nang isumbong ng kanyang dating girlfriend na nagpapakalat ng sensitibong larawan niya online.

Sa ulat, inakusahan ang lalaki na nagpapadala ng larawan ng biktima sa kanyang mga kaibigan sa social media.

Inaresto ang lalaki sa isang entrapment operation sa Ozamiz City ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG).



“Ito ay isang sextortion activity na kungsaan yung biktima at suspek ay dating meron silang relasyon,” ayon kay PNP-ACG Cyber Response Unit Chief Jay Guillermo.

Ang sextortion ang isa sa cyber-related incidents na nakapagtala ng pagtaas ng kaso.

Sa katunayan, iniulat ng PNP-ACG na mayroong 56 kaso nito ang naitala noong 2021, 110 noong 2022 at 121 noong 2023.

Nitong Enero 2024 lamang ay mayroon na agad 19 kaso ang naitala.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">