Advertisers

Advertisers

Maritime pulis kinatay ang utol bago nagpakamatay

0 15

Advertisers

PINATAY ng kasapi ng Maritime Police ang nakagalit na nakababatang kapatid bago binaril ang sarili sa Barangay Tetuan sa Zamboanga City Miyerkules gabi, February 7, 2024.

Kinilala ang mga nasawi na sina Police Staff Sgt. Ferdinand Bani Daniel at Angelo Bani Daniel.

Sa ulat ng Zamboanga City Police Office na inilabas dalawang oras matapos ang insidente, narinig ng mga kapitbahay na nagtalo ang magkapatid bago binaril ni Ferdinand ang kapatid at nang nakabulagta na ito, nagbaril din ito sa ulo.



Labis na ikinagulat ng mga kapitbahay ang insidente, na naganap sa isang mataong bahagi ng Don Alfaro Street sa Barangay Tetuan, isang residential area sa Zamboanga City.

Matagal na umanong may alitan ang magkapatid tungkol sa bahay at lupa ng kanilang tiyuhin na si Virgilio Bani.