Advertisers

Advertisers

Naloko ng poging profile pic: DALAGITA KINATAY NG CHATMATE!

0 19

Advertisers

NATAGPUANG patay ang 14-anyos na babae sa damuhan sa Cogon, Barangay Bato, Toril District Martes ng umaga, Pebrero 7, 2024.

Naaresto naman ang salarin Miyerkules ng umaga sa hot pursuit operation ng pulisya na kinilalang si Jayson Demahii, 20 anyos, construction worker.

Ayon sa Davao City Police Office, mag-chatmate ang biktima at salarin. Napagkasunduan nilang magkita ng personal. Ngunit sinampal ng biktima si Demahii nang makitang hindi pala ito kaguwapuhan taliwas sa kanyang Facebook profile picture.



Matapos sampalin ng dalagita si Demahii, hinampas ito ng kahoy ng huli, kabilang ang paghampas ng bato sa ulo na naging sanhi ng kamatayan nito.

Babala ng pulisya sa mga magulang, bantayan ang kanilang mga anak, lalo na iyong mga inosente na madaling maakit sa mga gwapong pictures sa Facebook profile, tapos iba ang mukha sa personal, dahil maraming manloloko sa social media.

Mahalaga rin na turuan ang kanilang mga anak na huwag makipagkita sa mga estranghero lalo kung unang pagkakataon.