Advertisers
NAGKAKAHALAGA ng P4.51 billion na shabu at controlled precursor and essential chemical (CPECs) ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Trece Martirez City, Cavite nitong Huwebes.
Pinanguhan ni PDEA Director General Moro Virgilio M. Lazo ang pagsunog sa mga iligal na droga at (CPECs) na mayroon timbang na 1,288,799.7371 grams na may kabuan halaga ng P 4.51 billion sa Integrated Waste Management, Inc. (IWMI) sa Barangay Aguado, Trece Martires City.
Kabilang sa mga sinunog ang may 530 kilograms (529,704.6 grams ) ng shabu na nasamsam ng National Bureau of investigation (NBI) sa Mexico, Pampanga noong September 2023.
Bukod dito, kabilang ang bulto ng illegal drugs at CPECS na kinabibilangan ng 535,352.3195 grams ng marijuana, 3,219.0132 grams ng MDMA o ecstasy, at 7,423.58 grams ng cocaine.(Mark Obleada)