Advertisers

Advertisers

Pambibiktima ng ‘ipit gang’ sa mga estudyante sa Maynila hagip ng CCTV

0 6

Advertisers

NAHAGIP ng CCTV cameras ang pandurukot ng isang miyembro ng “Ipit Gang” mula sa bag ng isang estudyante sa Santa Mesa, Maynila.

Makikita sa kuha ng CCTV ang paglalakad ng isang lalaking nakaputi sa Ramon Magsaysay Boulevard. Ilang saglit pa, makikitang pabalik siya at tila may sinusundan.

Sa isa pang kuha ng CCTV, makikita ang lalaki na nasa likod na ng tatlong estudyante at dumudukot sa bag ng isang estudyante.Natangay ang cellphone ng biktima.



Ayon sa barangay, halos mga kalalakihan ang mga miyembro ng Ipit Gang, na sinasabayan ang mga estudyante sa pagsakay sa jeep.

Kung minsan, magpapalit ng damit ang mga mandurukot pagkakuha sa mga gamit ng biktima.

Ayon sa barangay, hindi na mabilang kung gaano karami ang nanakawan ngayong taon.

Nakipag-ugnayan na ang barangay sa pulisya sa pagtugis sa mga mandurukot.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">