Advertisers
NASAGIP ang sampung indibidwal nang magkaaberya ang makina ng bangka at magpalutang-lutang sa dagat sa Romblon nitong Huwebes.
Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG)-District Southern Tagalog nitong Biyernes, tinawagan ng skipper ng motorized boat “Jedidiah 2” ang PCG station sa bayan ng Looc na nagkaaberya ang kanilang vessel sakay ang siyam na pasahero sa katubigan ng Barangay Agojo 3:40 ng hapon.
Kasama ang local sea wardens, rumesponde ang PCG personnel sa site at iniligtas ang mga sakay ng bangka, na kapwa nasa maayos na kondisyon.
Dinala ang mga nasagip na pasahero sa Looc Port. (Jocelyn Domenden)