Advertisers
HIGIT 60 na mga bata at matanda ang naospital dahil sa pagsusuka at pananakit ng tiyan dulot ng gastroenteritis o stomach flu sa Angeles City, Pampanga.
Sa ulat, nagkaroon ng biglaang pagtaas ng kaso ng gastroenteritis o stomach flu nitong nakaraang pitong araw sa lungsod.
Iniulat ni Angeles City Mayor Carmelo Lazatin Jr. na nakaranas din ang mga pasyente ng pagtatae at panghihina.
Marami rin sumasakit ang tiyan ngunit hindi nagpapa-admit o pumupunta sa ospital.
Ilan sa mga pinakapangunahing sintomas ng gastroenteritis ang pagdurumi at pagsusuka na kapag hindi naagapan maaaring humantong sa pagkamatay.
“Dehydration po ang nakamamatay diyan so kung dehydrated po ang isang tao, may electrolytes na nawawala through pagsusuka at pagtatae,” sabi ni Angeles City Health Officer Dra. Verona Guevarra.
Ayon kay Guevarra, wala namang maituturing na nasa kritikal na kondisyon.