Advertisers

Advertisers

Mag-asawa, binaril-patay ng 2 lasing

0 5

Advertisers

NASAWI ang mag-asawa nang pagbabarilin ng dalawang lasing na kapitbahay sa Sitio Rattan, Barangay Sacsac sa Cebu, Miyerkules ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Artemio at Sarnina Traya. Sugatan naman ang kanilang anak na si Chyra.

Nakilala ang mga salarin na magpinsan na sina Arnold Villamor Ignario at Arjie Baron Ignario na kapwa nakatakas.



Pinakiusapan diumano ng mga biktima ang magpinsan na kung maari magpahinga na, tumigil na muna sa kanilang inuman dahil sila ay nakakaistorbo ng mga kapitbahay, ngunit nagalit ang mga ito, kumuha ng mga baril at agad silang pinaputukan.

Hinahanap na ng mga pulis ang mga salarin