Advertisers

Advertisers

2 rider patay sa salpukan ng motorsiklo

0 12

Advertisers

NASAWI ang dalawang driver nang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa Sto. Thomas Batangas City nitong Llinggo ng umaga.

Kapwa hindi na umabot ng buhay sa Laurel District Hospital ang mga biktima na sina Jonel Gardoña, 33 anyos, jeepney driver, ng Barangay Balibago, Sta Rosa Laguna; at Esmeraldo Nadong, 58, ng Road 5 GSIS Subd., Brgy. Talipapa, Novaliches, Quezon City.

Sa report, 6:00 ng umaga nang maganap ang aksidente sa Maharlika highway, Brgy Santa Anastacia, Sto. Tomas City, Batangas.



Sakay si Gardona ng motorsiklo na binabagtas ang kahabaan ng Maharlika highway patungo sa Sto. Tomas City galing ng Sta. Rosa, Laguna; habang sakay si Nadong ng isa ring motorsiklo na binabagtas ang highway na patungo Calamba City galing Sto. Thomas proper nang magsalpukan sila dahil sa mabilis ang kanilang takbo, at kapwa nagtamo ng matinding pinsala sa katawan.

Kapwa idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang dalawa.. (Mark Obleada)