Advertisers
Ipinasa ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang 2023 Good Financial Housekeeping (GFH) audit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa namumukod-tanging at pare-pareho nitong pagsunod sa mga pamantayang itinakda sa bansa para sa fiscal accounting ng pamahalaan.
Kinilala ng DILG ang mga pagsusumikap sa pag-audit ng lungsod para sa pagkakaroon ng mataas na rating ng Audit Opinion mula sa Commission on Audit (COA) sa mga nakalipas na taon, gayundin sa pag-obserba ng mga gawi na sumusunod sa Full Disclosure Policy pagdating sa mga pinansyal na dokumento ng lungsod.
Nagpahayag ng pasasalamat si City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa DILG at sa kanyang mga kapwa lingkod-bayan sa pagtulong sa lungsod na makamit ang pagkilalang ito at nangakong ipagpatuloy ang mahusay na pamamahala sa pananalapi ng pamahalaang lungsod upang mapanatili ang tiwala ng kanyang mga nasasakupan.
“Malugod po nating tinatanggap ang isa na namang karangalan para sa Lungsod ng Caloocan mula sa DILG. Maraming maraming salamat po sa lahat ng aking kapwa lingkod-bayan sa pamahalaang lungsod na walang sawang tumutugon sa ating direktiba na magkaroon ng maayos at malinis na paggamit ng pera ng ating lungsod,” wika ni Mayor Along.
“Sa paggamit po natin ng pera mula sa kaban ng lungsod, tiwala po ng taumbayan ang laging nakasalalay. Asahan niyo po na hindi namin sisirain ang hindi ito at mas pagagandahin pa ang mga serbisyo para sa inyong lahat,” pahayag ni Mayor Along.(BR)